Ampalaya Frappuccino

Eksena sa coffee shop:

ALE1: (habang hawak at akmang hihiramin ang upuan)
“Ate,  magisa lang kayo?”

ALE2: (Ibinaba ang iniinom na kape,  huminga ng malalim at tumingin kay ALE1)
“Oo,  mag-isa lang ako.  Matagal na akong mag-isa.  Bakit?  Anong problema sa pagiging mag-isa? Magisa lang ako pero hindi ako malungkot. Magisa lang ako pero masaya ako sa buhay at kuntento na ako sa kung anong meron ako.  Magisa lang ako pero may mga kaibigan naman ako na laging nandiyan. Magisa lang ako pero wala akong tinatapakan o inaargabyadong tao.  At least,  nakakatulog ako gabi-gabi ng payapa ng walang iniisip kung niloloko ako o kinakaliwa.  At least,  hindi ako gumagastos buwan buwan panregalo para sa walang kwentang mga monthsary na yan.  At least,  wala akong gastos sa load sa araw araw na pag-unli para lang magtext at tumawag ng higit sa tatlungpu’t limang beses isang araw. Malaya ako. Malaya kong nagagawa ang gusto ko na hindi nadidiktahan ng ibang tao.  Malaya.  Dahil naniniwala ako na isa akong matibay na tao na hindi kinakailangan ng isa pang tao para idamay pa sa mga problema ko sa buhay. Ngayon sabihin mo sa akin, ano ang problema kung mag-isa lang ako?”

ALE1: “Sige,  salamat nalang.”

At doo’y namuhay sila ng payapa.

Thirst and Last

I smell you in every shot of my espresso.
That sweet scent i cannot resist.
That aroma, our first coffee shop date.
You were my stamina; my awakening.

I feel you in my every grain of sugar.
That touch of flavor, that connection in between.
That bliss of being mine.

I taste you in every drop of my beer.
That bitter flavor of our Friday romance.
You were my alcohol; my spell.

I see you in every pulp of my orange juice, easily bursting.
That weakness, that vulnerability.
You were fragile, that i did not see.

I hear you in the sound of my shattering glass of tea.
That impact of choices.
That pain that bruised our perfection.

Farewell, My bittersweet romance.
I will be taking water instead.

Distansya

Lunurin mo ako sa lalim ng iyong misteryo;
Sa iyong hindi maarok na kaisipan.
Hagkan mo ako ng iyong nakasisilaw na liwanag;
Hanggang sa mabulag ako ng iyong kasagutan.

Ika’y sumisilip mula sa malayo,
Kay ganda mong mga mata, sumusulyap, nagmamasid.
Hinahayaan mong makubli ang mala-anghel mong mukha ng mga madidilim na ulap,
Di mo ba alam ang gandang iyong taglay?

Sinisinta ka kahit isang dipang langit ang layo.
Pilit inaabot ng mga bisig, pilit nililiyad ang mga paa.
Nais kang haranahin ng paborito mong kanta,
Ngunit sa layo’y marinig mo kaya?

Nais kong painumin ng serbesa ang gabi,
Lasingin ang mga bituin sa langit.
Nais kong ipaghele ang mga ulap,
Upang mas humaba pa ang panahong pinagsasaluhan.

Ramdam ko ang iyong unti unting pagbitaw,
Kasabay ng pagputok ng bukang liwayway.
Hanggang sa hindi na kita madama, hindi na makita.
Tulad ng isang magandang pelikula at nobela,
Ito rin ay may mapait na katapusan.

Nasaan ka na?
Babalik ka pa ba?

Uupo na lamang rito at maghihintay.
Hanggang sa pagpatak ng oras pagtulog ng mundo.
Hanggang sa mapagod ang umaga’t sa lupa’y hahalik,
Hanggang sa lamunin ng dilim ang paligid.
Sa tamang oras,  Sa tamang panahon,
Hihintayin ko na ika’y muling magbalik.

Juan Wish

Alas dose na naman ng madaling araw. Hindi pa rin makatulog si Juan kahit na ang simoy ng hangin ay nanghehele na sa kalamigan. Ilang oras na siyang nakahiga sa papag ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok. Nakatingin na naman siya sa detalyadong kisame ng kanilang sira sirang bahay, tahimik na minamasid ang hindi mawaring bakas ng tulo ng noo’y dumaan na bagyo.

“Mayroon na naman akong pagkakaabalahan bukas.” Bulong nya sa kanyang sarili. Mayroon namang natitira pang kakaunting pintura mula sa pinagpagawaan nyang pakyaw na trabaho kaninang umaga sa may sabdibisyon sa kabilang barangay. Marahil ay kakasya na iyon para sa kanilang kisame.

Pilit nyang ipinikit ang kanyang mga mata. Kailangan na niyang matulog. Maaga pa siya babangon bukas para magluto ng agahan para sa kanyang mga kapatid.

“Mayroon pa namang natitirang ilang pirasong tuyo at itlog para gawing agahan mamayang umaga. Bukas ko na lamang iisipin ang para sa susunod na araw.”

Sawang sawa na si Juan sa ganitong sistema ng buhay. Sa araw- araw na tuyo, itlog, at NFA rice. Sa isang kahig-isang tuka. Sa maingay na videoke ng kapitbahay. Sa pagsalo ng tira-tira mula sa iba. Sa paggising na hindi alam kung saan pupulot ng awa para maitawid ang maghapon.

Pinilit nyang ipinikit muli ang kanyang mga mata. Pilit na winawaglit sa kanyang murang kaisipan ang mga problemang hindi dapat pinoproblema ng isang labing pitong taong gulang na bata kagaya nya. Para sa kanya, labing pitong taon na siyang bilanggo; bilanggo sa sarili nyang mundo; bilanggo sa lungkot; at bilanggo sa takot para sa kinabukasan.

Ngayong gabi sa kanyang pagtulog, mayroon lamang siyang isang tanging hiling:

“Putang inang buhay to. Sana hindi na ako magising.”

At doo’y nakatulog na siya na may luha sa kanyang mga mata.

Of doors and hallways.

image

If these doors could speak, they will be telling you stories that make us human; stories that were etched on their surface, each begging to be heard: A yearning father asking for more time for his 5 year old child. A newborn’s first cry and a father’s excitement for his junior. A husband, whisphering to his comatose wife, singing their love song. An abandoned old man’s plea for him to be visited by his children on his birthday. An ECG flat line sound. A cancer patient’s silent prayer for a smooth chemotherapy.  A dying man’s last breath. Misery. Pain. Sorrow. If these doors could speak, would you dare
listen?

The 21st Time I Said Goodbye

Sweet fragrance of love
Never bridged into my nostrils since you left.
It peels me open and it keeps me in pain
Realizing that you would never come back.
Slumber and stagnant feeling of being alone,
Slowly crushes the essence of living
And still aggravates the feeling of wanting you back.
Absolute love like there was no tomorrow,
Lingering affection until the day ends,
Now was all in silence, now was all inside the bin.
Your voice still remains in my ear,
Those words that you usually say.
Those three simple words;
Those three words that complete me,
Now was all in the movies, never in reality.
I wish I could still whisper into your ear
How much I love you, and how much I still.
I wish I could still hold your hand
And observe how perfect it fits mine.
You said goodbye without any notice
And it left me useless, futile.
I could still remember that day,
That day when all of our vows shattered.
Wishing that day was not part of history.
Saying Goodbye was not part of our plan,
But you did.
I am now holding your letters for me.
Your letters of love.
Your letters of love that you once wrote.
Never wanted to let go,
But the need still leaves me no choice.
These letters of love slowly slipped from my hands,
And it just breaks my heart to put those into flame.
I watched them as they slowly turn into ashes.
I thought this could ease the pain
And expunge all the memories we’ve created.
But I was wrong. Definitely wrong.
The pain, the memories, and my love for you.
All still remains; all still fresh.
I said “Goodbye” for the 21st time,
And I said “I still love you” for the 22nd time.

Antayteld

Kapag may pasok, pinapanalangin ko na sana magbakasyon na dahil sa sobrang dami ng ginagawa. Ngayon namang walang pasok, pinapanalangin ko naman na sana magpasukan na dahil wala namang magawa. Hay, ang tao nga naman. Hindi na naging kuntento kahit kailan.

Ang pinakagusto ko sa mga summer vacation gaya ngayon ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na magising kahit tanghali (yun bang tipong credits na ng Wowowee ang naabutan ko pagkagising), at ang pagkakataong matulog ng kahit maabutan na ang pagsasara at pagkanta ng “Bayang Magiliw” sa mga iba’t ibang estasyon ng telebisyon at radyo. Kung kaya naman, sa dalawang linggo kong summer vacation ay talaga namang sinulit ko na ang mga pagkakataong ito. Araw-araw puyat. Araw-araw, tanghali na kung gumising.

Time Check: Alas dos na naman ng umaga. April 10, 2010.

Sinubukan kong matulog ng maaga ngayon, mga 12:00am. Oo, maaga na yun kung tutuusin. Para naman ma-adjust ko na ulit ang body clock ko bilang preparasyon sa nalalapit na pasukan. Hindi na ako nag-online dito sa facebook at pinili ko nalang magbilang ng mga tupa para lang makatulog agad. Pinatay ko na ang ilaw, nagkumot, at inilagay ang unan sa ibabaw ng mga pinipilit na isarang mga mata.

Isa… Dalawa… Tatlo… Apat… Lima… Anim…

Nak ng! Wa epek ang mga tupa. Gising na gising pa din ako.

Ok. Next Option: Soundtrip

Kinuha ko ang mga earphones na nakalagay sa lamesa, ikinabit ito sa cellphone (Sorry naman wala akong iPod.),  tinignan kung anong earpiece ung dapat na sa kanang tainga, suksok sa kanan, sumunod naman ang pang-kaliwa, at isinuksok sa kaliwa. Play music. Ok, soundtrip. Sana naman makatulog na ako nito.

At nang hindi maglaon, hindi naman ako nabigo sa aking hangaring makatulog sa pamamagitan ng pakikinig ng mga musika. Nakatulog na nga ako sa wakas.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ(-_-)…

Unti unti na akong nawawala sa realidad ng mundong ito. Unti unting napupunta ang aking diwa sa kawalan. Unti unti na akong nahihila patungo sa mundo na kung saan lahat ay possible; sa mundong kaakibat ng mga imahinasyon at kathang isip; sa mundo ng panaginip.

Naranasan mo na bang magkaroon ng isang magandang panaginip? Yung tipo ng panaginip na ayaw mo muna pakawalan pansamantala, yung tipong sana naging totoo nalang lahat ng nangyayari, yung tipong, ayun na eh. Ayun na. Ng biglang…

Toot toot, toot toot! May nagtext! (O.o)

BADTRIP! :[

Tapos malaman laman kong Globe Advisory lang pala ang nagtext! Nag-susuggest na idownload ang mga Free Ringtones na inaalok nila para magka-points daw ako in winning… Nak ng. Anong gagawin ko sa mga FREE TONES nila?! Patutugtugin ko magdamag hanggang sa maglowbat ako?! Sa kanila na ang POINTS FOR WINNING nila. Nakakasira ng tulog!

Time Check: Alas Dos y medya ng umaga. Palang?! 30 minutes palang ako nakakatulog?!

Salamat sa Globe Advisory na yun. Susubukan ko na naman tuloy magbilang ng mga tupa. :/

Mga ilang minuto akong nakatulala habang nakatitig sa kisame ng kwarto. At ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng paglagaslas ng hangin mula sa aircon at ang mga pag-“tiktok” ng mga wall clock sa paligid. Hindi na naman ako makatulog. Para na naman akong naka-Redbull sa sobrang hyper.

Tik. Tok. Tik. Tok. Tik. Tok. Tik. Tok.

Minsan gusto ko din ang mga ganitong pagkakataon. Yung tipo bang bukod sa hininga at tibok ng puso mo, ay nararamdaman mo din ang udyok ng isip mo para makapag-isip isip at makapag-nilaynilay. Sa mga tahimik na sandali gaya nito, mas naririnig ko ang ingay ng mga ideya at mga salita na isinisigaw ng isip ko. Sa mga tahimik na sandali gaya nito, napapagisipan kong mabuti ang mga bagay-bagay sa buhay. Sa mga tahimik na sandali gaya nito, natitimbang ko ang aking sarili sa magulo at maingay na mundong kinagagalawan ko.

Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko, binuksan ang computer, tumungo sa Microsoft Word, at sinimulan ang pagsusulat nito.

Marami akong bagay na nais ibahagi. Maraming bagay akong nais ikwento. Maraming bagay pero hindi lahat ay maikukubli at mabubuod sa munting sanaysay na ito.

Dahil palowbat na ang laptop na ito, at ano mang oras ay maari na akong kunin ni “kaantukan”, ilan na lamang sa mga “maraming bagay” na iyon ang aking ibabahagi.

Lahat ng bagay, nagsisimula sa sarili.

Napakabilis ng panahon. Ang daming nagbago. Ang daming nagbabago. At alam kong madami pa ang magbabago. Hindi naman iyon maiiwasan.

Naalala mo pa ba ang pakiramdam mo noong una kang pumasok sa eskwelahan? Yung tipong nakakapit ka sa palda ng nanay mo at ayaw mo itong pakawalan sa takot na baka kainin ka ng mga kaklase mong noon mo lamang nakita?

Naalala mo ba ang ilang ulit mong pagkabisado sa multiplication table? Yung tipong dahil nakalimutan mo ang sagot sa 9×8, babalik ka na naman sa 9×1 para maalala ang pagkakasunod-sunod ng mga sagot?

Naalala mo ba noong una kang natae sa brief o panty nyo? Yung tipong wala ka nang nagawa. Ayun na eh, lumabas na. Pilit pilit mong tinago, pero umasngaw parin. Kung hindi mo naranasan itong pangyayaring ito, malas mo. Hindi mo naranasan ang pakiramdam na para kang artista dahil pinaguusapan ka.

Naalala mo ba noong walang habas kang nakatutok sa inyong telebisyon para abangan ang Captain Planet? Pilit sinasabayan ang lyrics ng kanta sabay sigaw ng “The Power is Yours!”

Eh noong una kang nakatapos ng Mario Adventures sa Family Computer niyo?

O noong una kang nagkaroon ng crush? Kumusta na kaya ang first crush mo ngayon? Curious? Search mo na sa facebook, hiya ka pa eh.

Noong una mong narinig ang “Nanghihinayang” at “Oh Babe” ng Jeremiah?

Naalala mo ba noong pinakabisado ang Periodic Table of Elements para sa Chemistry class mo? Hindi lang chemical name at chemical symbol, pati atomic number at atomic weight pa! Juice ko po rudeh! Nakalusot ka na nga sa pagsasautak ng multiplication table, dinagdagan na naman ng isa pang kalbaryo.

Eh Naalala mo ba noong una kang nagkapimples? Badtrip diba? Tapos bigla pang manganganak ng ‘sang katerba!

Naalala ko noong bata pa lamang ako, isa sa kinatatamaran kong gawin ay ang pagtulog ng tanghali. Kailangan daw iyon para lumaki at tumangkad. Madalas nga akong sabihan dati na kapag matulog daw ako ng tanghali, bibigyan daw ako ng reward pagkagising ko. Kung kaya naman bukod sa pagtangkad, isa iyon sa naging motivation ko para matulog tuwing tanghali. Or should I say, “nagkukunwariang” tulog tuwing tanghali.

Ang pagtulog ng tanghali.

Marahil karamihan sa atin naranasan ang maging artista sa mga ganitong sitwasyon noong bata pa lamang tayo. Yung tipong hihikab “kunwari”, unti-unting hihiga “kunwari”, aayusin ang unan at magkukumot “kunwari”, at unti-unting pipikit “kunwari”… Magkukunwariang nakapikit habang hindi lubusang nakasara ang mga mata. At kapag may dumadaan, feel na feel ang pagkukunwari para masabi na mahimbing ang tulog. Pasulyap-sulyap sa orasan para mabilang kung gaano na katagal natutulog “kunwari”, at kapag makalipas ang 20 to 30 na minuto ng pag-iinarteng tulog, kukunot ang noo, magkukunwariang hirap na hirap sa pagmulat ng mata, unti-unting babangon, sabay sasabihing: “Sarap ng tulog ko… Saan na yung reward ko?”

CUT! GOOD TAKE!

Naalala ko noong bata ako, tuwing bakasyon at nalalapit na ang pasukan, sinisimulan ko na ang magpabili ng mga gamit sa eskwelahan. Bagong “de gulong” na bag. Bagong mga notebook na nakabalot sa bagong plastic wrapper. Bagong lapis at eraser. Bagong pencil case. Lahat bago. Lahat amoy mall pa. Naalala ko din na hindi ako palaging napapakali sa mga bagong gamit ko. Kada 30 minuto o 1 oras, titignan ko ulit isa-isa para makita kung talagang maganda ang mga nabili ko. Ewan ko nga ba kung bakit ganoon. Akala mo naman may kukuha ng mga gamit ko. Doon marahil nag-originate ang salitang “adik”.

Nakakamiss ang buhay bata. Yun bang wala kang iniisip masyado kung hindi ang makabili ka ng pencil case na madaming pinipindot na kung anu-ano o makakuha ka ng napakaraming Pokemon trading cards o ang maka-base sa larong moro-moro. Ngayon kasing tumatanda na, mas nagiging kumplikado na ang mga iniisip.

Kumplikado.

Yun bang tipong pati ang mga simpleng bagay nagiging kumplikado. Noong bata palang kasi ako, kumplikado na para sa akin ang tanong na, “Ano ang mas nauna, itlog o manok?”. Eh ngayon kasing nagka-pimple na ako at lumaki na ang boses, parang formspring na sa dami ng tanong ang buhay: “Paano na kaya ako sa future?”, “Para sa akin ba talaga ang pag-nunurse?”, “Kailan kaya ako magaasawa?”, “Saan ako magtatrabaho, dito ba o sa abroad?”, “Mag-aaral pa ba ako ulit pagkatapos?”, “Bakit?”, “Saan?”, “Paano?”, “Kailan”, Ano?”, “Bakit nga ba ang dami kong tanong?”, “Bakit hindi ko pa alam ang mga sagot?”, “Adik ba ako?”, “Oo? Adik nga ata ako?”

Teka, ano nga ba ang mas nauna? Itlog o manok?

Tunay ngang iba ang mundo ng elementary at high school sa mundo ng kolehiyo. Akala ko noon, pag tumungtong na ako sa kolehiyo, mas maginhawa na ang buhay estudyante. Yung tipong civilian na pagpasok, yung tipong puro gimik at lakwatsa, yung tipong notebook lang ang dadalhin kapag papasok, at yung tipong trice a week lang ang schedule ng klase. Ganoon kasi ang mga napapanuod ko sa telebisyon dati sa “G-mik” at sa “Berks”. Nagkamali pala ako. Naka-school uniform parin pala.

“I took up nursing because I want to go abroad and to experience a greener Pasteur. In demand po kasi sabi ng parents ko.”

Ayan na marahil ang madalas na sagot ng mga newly accepted nursing students kapag tatanungin sila sa kanilang first day of school ng golden question na: “Why nursing?”.

O kung talagang eager sila sa pag-nunursing o kaya naman ay pabibo, marahil ito ang kanilang isasagot: “I took up nursing because I have this passion of helping the sick, the needy, the oppressed, and the abused. I want to assist them in regaining optimum health through quality nursing care and assistance. I love nursing as I love my friends and my family. Choosing this course is like choosing to walk through the best path in life. I believe this course would change my life for the better. I believe that this course will teach me, nourish me, and draw me closer to the Almighty.” (Sabayan pa ng hand gestures at pagpikit pikit habang nagsasalita)

????????????????? K! Bye!

Florence Nightingale, pakidampot nga ‘tong taong ‘to! Salamat!

Kung matatandaan ko pa ng mabuti, noong first day of classes namin sa kolehiyo, marahil ang sinagot ko ay iyong una sa dalawang choices sa taas. Pero sa totoo lang, eto ang tumatakbo sa isipan ko noong panahong iyon:  “I took up nursing because… ah.. eh.. ahm… wala lang. no choice eh. Di ko kasi alam kung ano ang course na bagay sa akin. Eh tutal nursing ang karamihan sa angkan ko at in demand “daw”, sige na nga, yun na din ang akin. Uso eh.”

Ayos lang naman. Isa naman sa favorite subject ko dati ang science nung elementary at high school ako. Mahilig din naman akong maglaro ng doctor quack quack ng mga panahong nag-bobottle feeding palang ako at noong nanlilimahid palang ang sipon ko. (Kung ano man ang kuneksyon ng doctor quack quack sa nursing ay hindi ko din alam.)

Reporter: “Ah so, Aries, kumusta naman ang buhay mo bilang isang student nurse?”

Noong una, aaminin ko nakakatamad sa sobrang dami ng dapat sauluhin at kabisaduhin. Sa tuwing titignan ko ang mga librong dapat kong pagaralan, Whoa! Pwede nang gawing unan sa sobrang kapal. At ang mga lecture, Parang punong puno ng mga pang-alien na salita. Parang kada lecture, system overload at no space for new information na ang utak ko. Nakakadugo ng ilong, pati na ng lungs. Sakit sa kasu-kasuan ng mga kamay sa walang habas na pagsusulat. Aray!

Pero noong hindi maglaon, masasabi ko namang natutunan ko nang mahalin ang napili kong kurso. Mula siguro ng mai-apply ko na ang mga natutunan ko sa mga aktwal na senaryo sa iba’t ibang duty namin. Marami akong natututunan hindi lamang pang-intelektwal, natututunan ko din ang iba’t ibang aral ng buhay. Iba’t ibang aral ng buhay na hindi lamang makikita sa apat na sulok ng silid, kung hindi sa iba’t ibang tao na nagiging pasyente ko at iba pang nakakasalamuha ko.

Nursing is not just simply an art. It is a masterpiece; an opus that was built from pure love, mended by undying dedication, and completed with an endless commitment. It does not only require time, but is in need with a pure heart. It is not just about medications or examinations, but is more concern with the sense of care. It is not all about thick books or numerous modules, but is more about the essence of unending service and dedication (Reyes, 2010).

Nak ka naman! Nag-english!?

Ayan tuloy, pa-lowbat na ‘to. English English pa kasing nalalaman eh. Tsk.

Ayos na rin malowbat, medyo dinapuan na din naman kasi ako ni kaantukan.

Paano? Hanggang sa susunod? Baka kasi hindi ko na ‘to matapos at kapag naglowbat na ako, baka mabitin lang ako sa