Huwag mo nang basahin ito.

Saan kaya ako magsisimula? Paano ko kaya pagagandahin ‘tong ginagawa ko? Paano niyo kaya ito magugustuhan? Ayaw ko naman na hindi niyo ito tapusing basahin at ilipat agad ang pahina sa iba kahit hindi pa kayo nangangalahati dito. Kahit naman ganyan ang pamagat ko eh, syempre gusto ko namang mabasa itong ginawa ko kahit papaano. Reversed Psychology lang, ika nga. Ano nga ba ang batayan para masabing maganda at intelehente ang pagkakagawa ng isang komposisyon? Dapat bang mabulaklak ang mga salitang gagamitin? Kung iyon lang ang batayan, marahil ay bagsak na ako sa paggawa. Baka kasi kapag ginamitan ko ito ng malalalim na salita, eh mapuno ng dugo galing sa ilong ang damit ko. Mamantsahan pa damit ko. Ayaw ko pa naman maglaba. Ang sakit kaya sa kamay!

“Jackpot prize ng Lotto, pumalo na sa mahigit 166 milyong piso.”: isa sa mga ulo ng balita na narinig ko sa telebisyon habang ginagawa ko itong essay “kuno” ko. Lagi kong pinapanalangin na sana manalo na ako sa lotto, Wow! 166 Milyong piso! Ang laki ‘nun ah!, pero sa bandang huli, naiisip ko, paano naman ako mananalo, eh ni hindi nga ako tumatataya kahit isang beses? Asa naman ako. Pero siguro, kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng ganoong kadaming milyon, ang una kong gagawin, bukod sa magpapaburger ako, ay papauwiin ko na magulang ko mula sa ibang bansa. Hindi na nila kailangang magtrabaho pa. Gagawin ko silang hari at reyna sa kastilyong ipapagawa ko para sa kanila. Tapos maglilibot kami sa buong mundo, hindi para magtrabaho sila, kundi para mag-enjoy naman. Haay, kung ganoon nga lang sana kadali iyon.

INTERLUDE: Are you having fun yet?

Kanina bumili ako ng burger sa Burger Machine na malapit sa tinutuluyan ko ngayon. Buy one, take one, kaya sinulit ko na. Ginawa ko nang dalawang order, Bale apat. Solb-solb na ‘yun pang-midnight snack. Takaw ko noh? Hindi naman halata sa katawan ko. Nilagay na sa kumukulong mantika ang apat na burger patty. Si ate na nagtitinda, mukhang walang tulog. Ang eye bags, hindi lang mukhang bag, para nang maleta. Ilang oras na kaya siya nagtratrabaho? Ilang sandali pa, may lumapit sa amin na isang hapon: mga nasa 50 ang edad, payat, may salamin, kayumanggi din, at marunong mag-ingles. “Hello my friend” ang unang pagbati sa amin. Ngiti ang sinagot namin ni ate habang siya nagpiprito at ako nagtetext. “Are you happy?” sunod na sabi niya sa akin. Kumunot lang ang noo ko sa tanong niya. Iniiwasan kong sagutin ang mga tanong niya at baka ma-hypnotize ako, uso daw kasi iyon ngayon. Ikinwento niya ang buhay niya sa amin kahit hindi namin siya pinapansin. Nagkwento siya sa amin, pero hindi na ako nag-abalang makinig. Dahil bukod sa nagtetext ako, hindi ko rin naman kasi masyadong maintindihan ang pag-iingles niya. Hindi siya tumitigil ng pagsasalita at pagkukwento. “Tikas nito ah, hindi pa rin tumitigil sa pagkukwento kahit alam niyang hindi kami nakikinig”, bulong ko sa sarili ko. Mga ilang minuto lumipas bago siya panandaliang nanahimik. Himala. Natahimik siya. Napatingin ako sa kanya. May mga luha ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ito pinilit ngumiti, saba’y sabing “I just want to be happy”. Naglakad na siyang paalis matapos noon. “Palagi nga yang nandito” sabi ni ate habang nilalagyan niya ng barbeque sauce ang mga tinapay na nasa harapan niya. “Pauulit-ulit niyang kinukwento ang mga anak niya. Iniwan nalang daw kasi siya sa mall. Ang sabi daw sa kanya, babalikan siya, eh mahigit 2 taon ko nang nakikita ‘yan na palaboy-laboy dito eh”. Napatigil ako sa pagtetext. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Marahil ay naghahanap lang siya ng handang makinig sa kanya kahit sandali, kahit ilang minuto lang. Hindi ko pa iyon naibigay sa kanya. “Sir, ito na po mga burger niyo. Salamat. Balik po sila.”

INSTRUMENTAL

Marunong ka bang tumugtog ng kahit anong instrumento? Ako kasi hindi eh. Ang hirap pag-aralan. Tignan ko palang ang mga nota, parang luluwa na ang mga mata ko sa pagkahilo. Binilhan nga ako ng tatay ko ng gitara noong ika-9 na bertdei ko para daw matuto ako habang bata palang. Sa ngayon, mag-sasampung taon na ang gitara na ‘yon, wala parin akong nakakabisadong kanta ni Bahay Kubo o Eybisidi. Isa sa mga gusto kong matutunan talaga bago ako mamatay ay ang pag-papiano. Kasama na iyon sa bucket list ko. Pero ayaw ko pa namang mawala na ako dito sa mundong ibabaw. Pang-motivate lang ‘yun, ika nga. Nagpapaturo naman ako kahit minsan sa kaibigan ko na napakagaling sa pagpapiano, kaso unang nota palang, sablay agad, pati ang mga daliri ko ang titigas, pang-typewriter nga lang ata talaga. Ganito lang talaga siguro ang buhay. May mga bagay na hindi mo kayang perpektuhin. May mga bagay na wala ka pero mayroon ang iba. At may mga bagay na mayroon ka, na wala naman ang iba. May iba na magaling sa pagtugtog ng mga instrumento. May iba na magaling sa pagkanta o ‘di kaya’y pagsayaw. May ibang magaling magluto ng burger, tulad na lang ni ate sa Burger Machine. At mayroon din namang iba na magaling gumawa ng mga walang katuturan na essay gaya nito.

Ayan, tinamaan na naman ako ng katamaran. Tsk, akala ko pa naman tuloy-tuloy na ang kasipagan ko, ma-eexpire din pala. Oh pano, hanggang dito nalang siguro muna. Hindi na kaya ng powers kong unti-unti nang nilalamon ng antok at katamaran. Baka kasi kapag sinipag ako ng todo, eh makagawa na ako ng isang nobela. Nagsisisi ba kayo sa pagbabasa ng walang saysay na sanaysay na ito? Sabi naman kasi sa’yo, binalaan na kita sa pamagat palang na huwag mo nang basahin ‘to, pero binasa mo parin. Ayan, nagsisisi ka tuloy. Pasaway!

YOUR SCORE: 78

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s