Distansya

Lunurin mo ako sa lalim ng iyong misteryo;
Sa iyong hindi maarok na kaisipan.
Hagkan mo ako ng iyong nakasisilaw na liwanag;
Hanggang sa mabulag ako ng iyong kasagutan.

Ika’y sumisilip mula sa malayo,
Kay ganda mong mga mata, sumusulyap, nagmamasid.
Hinahayaan mong makubli ang mala-anghel mong mukha ng mga madidilim na ulap,
Di mo ba alam ang gandang iyong taglay?

Sinisinta ka kahit isang dipang langit ang layo.
Pilit inaabot ng mga bisig, pilit nililiyad ang mga paa.
Nais kang haranahin ng paborito mong kanta,
Ngunit sa layo’y marinig mo kaya?

Nais kong painumin ng serbesa ang gabi,
Lasingin ang mga bituin sa langit.
Nais kong ipaghele ang mga ulap,
Upang mas humaba pa ang panahong pinagsasaluhan.

Ramdam ko ang iyong unti unting pagbitaw,
Kasabay ng pagputok ng bukang liwayway.
Hanggang sa hindi na kita madama, hindi na makita.
Tulad ng isang magandang pelikula at nobela,
Ito rin ay may mapait na katapusan.

Nasaan ka na?
Babalik ka pa ba?

Uupo na lamang rito at maghihintay.
Hanggang sa pagpatak ng oras pagtulog ng mundo.
Hanggang sa mapagod ang umaga’t sa lupa’y hahalik,
Hanggang sa lamunin ng dilim ang paligid.
Sa tamang oras,Ā  Sa tamang panahon,
Hihintayin ko na ika’y muling magbalik.

Advertisements

4 thoughts on “Distansya

  1. Unang basa ko pa lang ng “Hindi tayo si Poppy at Basha”, gusto na kita hanapin. Minsan talaga may mga manunulat na sinasabi yung mga bagay na hindi mo mahanap sa sarili kong diksyonaryo. Salamat. Kikilalanin pa kita sa iba mo pang mga panulat. šŸ™‚

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s