Eksena sa coffee shop:
ALE1: (habang hawak at akmang hihiramin ang upuan)
“Ate, magisa lang kayo?”
ALE2: (Ibinaba ang iniinom na kape, huminga ng malalim at tumingin kay ALE1)
“Oo, mag-isa lang ako. Matagal na akong mag-isa. Bakit? Anong problema sa pagiging mag-isa? Magisa lang ako pero hindi ako malungkot. Magisa lang ako pero masaya ako sa buhay at kuntento na ako sa kung anong meron ako. Magisa lang ako pero may mga kaibigan naman ako na laging nandiyan. Magisa lang ako pero wala akong tinatapakan o inaargabyadong tao. At least, nakakatulog ako gabi-gabi ng payapa ng walang iniisip kung niloloko ako o kinakaliwa. At least, hindi ako gumagastos buwan buwan panregalo para sa walang kwentang mga monthsary na yan. At least, wala akong gastos sa load sa araw araw na pag-unli para lang magtext at tumawag ng higit sa tatlungpu’t limang beses isang araw. Malaya ako. Malaya kong nagagawa ang gusto ko na hindi nadidiktahan ng ibang tao. Malaya. Dahil naniniwala ako na isa akong matibay na tao na hindi kinakailangan ng isa pang tao para idamay pa sa mga problema ko sa buhay. Ngayon sabihin mo sa akin, ano ang problema kung mag-isa lang ako?”
ALE1: “Sige, salamat nalang.”
At doo’y namuhay sila ng payapa.
Salamat sa sobrang tagos na mga linya. Dapat ay matutulog na ako dahil may trabaho pa bukas, pero di ko mapigilang basahin ang iyong mga sinulat. 😊 Bawat linyang sumasalamin sa saya, hinagpis, sarap, pait ng pag-ibig, ng buhay. Ang nais ko lang sabihin ay Salamat.
LikeLiked by 1 person
Higit, mas gusto ko magpasalamat sa inyo para sa pakikinig ng mga kabalbalan ko. 🙂
LikeLike
Reblogged this on Enliven your senses.
LikeLike
#hugot
LikeLike