Hindi tayo si Popoy at si Basha

image

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dalawang tao lamang tayo na pinagtagpo ng kasaysayan at pagkakataon.
Panandalian.
Pansamantala.
Na kailanma’y hindi na muli magkukrus ang mga landas.
Dahil hindi tayo tauhan sa gawa gawang pelikula na naniniwalang may happy ending.
Na may pagtatagpo matapos ang mahabang prusisyon.
Na umaasa sa mga bagay na kailanman hindi naman na maibabalik pa.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Narito na tayo sa bagong yugto,
Na kung saan may kanya-kanya na tayong kabanata at pag-iral.
Na kung saan kailangan na nating tuldukan ang napakahabang pangungusap.
Dahil salungat na ang kwento ng buhay nating dalawa.
Ikaw, patungong paglimot at paghilom.
Ako,Β naiwan dito na wasak at miserable.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Tapos na akong umasa na sana ako nalang.
Sana ako nalang ulit.
Lunod na ako sa kamandag ng serbesang naging kaibigan ko sa malulungkot na mga gabi;
Puwing na sa hindi pagkurap sa kaka-antay ng mensahe na kailanma’y hindi naman muling dumating;
Pagod na.
Parang isang lumang orasan na naubusan ng baterya sa kahahabol ng bawat segundo.
Manhid na sa sakit;
Wala nang maramdaman.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dahil tuloy pa din ang buhay matapos man ang credits ng pelikula.
Tuloy pa din ang mahaba at masalimuot na proseso ng paglimot matapos rumolyo ang mga kamera.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dahil ang kwento natin,
Hindi pang happy ending.
Hindi pang-blockbuster.
Hindi pang one more chance.

Kung kaya’t ibabaon na lamang sa limot ang istorya nilang dalawa.
Itatapon na ang kakarampot na upos ng pag-asa na ibinahagi nila.
Bibitawan na ang mga pangakong napako at mga salitang nalusaw ng paghihintay.
Dahil ang kwento nila ay hindi natin magiging kwento.
Dahil sa bersyon natin,
Wala nang magaganap na ikalawang pagkakataon.
Salamat sa masasayang alaala.
Mahal na mahal kita.
At ang sakit sakit na.

Advertisements

176 thoughts on “Hindi tayo si Popoy at si Basha

  1. Just like chelle and I… its been a months when we break up.. Sya yung napagod Sya yung nang-iwan at Sya yung ng hanap ng iba.. Nkikita ko ngaun so popoy sa sarili ko.. kasi un tila ba hnd kukurao ang akin mata sa kakahantay ng mensahe na kaylan man hindi na darating pa.. yung bang kahit 1 minute or seconds lng gusto mo syang makausap pero hindi na maibigay Un iiyak nlng ang mgagawa ko kasi namimiss ko sya it was a tough 1 to 2 months for me until i realize ko that i should limit myself .. hirap mag move pero kaya ko to! Hind na nako humingi 2nd chance kasi hindi kame si popoy at basha pero andun parin un pg asa na one day babalik sya pero sabi nla namnamin muna ntin sakit at hirap ng damdamin kasi later on sasaya kana uli at bka hindi mo na yan maramdman uli kasi nakapg move on kana at masaya kna uli .
    Im happy for you chelle .

    Like

  2. Para akong si popoy at basha. waited long time searching what i did wrong. pero nung bumalik sya parang basha na need to let go not because you dont love him anymore, but because you’re losing yourself in the process. i know i will still love him in the future. pero yun yun eh. Not the right time and not the right place. baka di talaga destined together.

    Like

  3. ako si popoy at siya si basha. pinagtagpo kami ulit hndi para ituloy o magkaroon ng 2nd chance, nakikita ko na he’s losing himself in the process at inaamin ko ako yung napagod, ako yung nagsawa, ako yung gusto nang bumitaw. sya yung nanghihingi ng isa pang pagkakataon, hndi ko mabigay kasi hndi naman kmi si popoy at si basha, hndi ako si popoy na basta bsta kayang ibigay yun, ngayon marami nang masasaktan, maraming taong masasagasaan. Hes a great guy, no doubt about that, and I did love him, i really did, pero this love just wasnt for us anymore and somethings are really just not meant to be. sorry….

    Like

  4. Walang gugunitain kundi masasayang araw.
    Walang hinagpis, dusa at pagsisisi.
    Pagka’t hindi tayo si Popoy at si Basha,
    Mahal pa rin kita,
    Kahit may mahal ka nang iba.
    At ang sakit sakit na.

    Like

    1. ha naga po ha bakin namn ha yes ako naga po ha barak namn ha
      sana πŸ˜€ naga po ha bakin namn ha haha bakin namn ha
      sana ako ha naga po ha bakin namn ha
      oo namn ha bale wala ako sayo ha naga po ha
      oo namn ha ?

      Like

      1. good namn ha iikaw po ha sana ako bakin namn ha sakin namn ha iikaw po gus namn ok naga sayo ha bakin namn ha iikaw po ha haha naga po ha san po ha iike mo ha naga po ha bakin namn haha naga po ha bakin namn ha iikaw po iibgay mo ha naga po ha bakin namn ha iikw po ha naga san po ha sana pasok namn ha san ha sana po gusto sana iibin mo ha naga po ha san po ha bakin nmamn ha haha … naga po ha bakin namn ha sen mo ha naga po ha bakin namn ha iikw yun ha ok naga po ha bakin namn ha yes unga po ha sana po ha bakin namn ha iikaw yun ha naga po ha naga po ha ha naga po ha sana balak namn ha iikaw po ha naga po ha naga po ha sana po ha bakin namn ha iikaw nice namn ha iikw po ha naga laro namn ha iikaw buhagin namn bata ka ha naga po ha san para iikaw gen me iikaw po ha naga namn ha san po haha bakin namn ha iikaw po ha naga po ha san were namn ha iikaw po haha haha naga po ha bakin namn ha iikaw sana haha naga ha naga po ha bakin namn ha ha naga po ha bakin namn ha iikaw po ha haha naga sana po haha bakin namn ha iikaw po ha naga po ha muce namn ha iikaw ha naga po ha bakin namn ha ha naga po ha bakin namn ha ?

        Like

  5. Ang galing naman nito sapul ako as in. Isang bachang pero pwede ding si popoy. Recently lang umasa na after a decade at muling nagkita ay may continuation ang chapter ng lovelife naming dalawa. Pero eto back to scratch nagsisimula ulit bumangon. Bakit pa kasi nagkita kung wala naman mangyayari.

    Like

  6. Hindi tayo sina Popoy at Basha. Been waiting for you for like four years now since we broke up, at nagkita tayo hindi para sa ating one more chance but to finally end my little hopes na magiging tayo pa ulit. Ikaw may bago na, naka-move on na, nakalimutan na ako… ako andito parin kinukumbinsi ang sarili ko na nakapagmove on na ako pero ang totoo nyan nasasaktan parin ako pag nakikita ko na masaya ka na sakanya. Nagsisisi ako kasi all those years ikaw ang sinisisi ko kung bat nagkaganon yung relationship natin. Pero ang totoo nyan ako yung bumalewa at nagtapon sa almost 4 years natin nung tayo pa. Ang totoo nyan hinanapan kita ng mali sa lahat ng ginagawa mo kasi hindi pa ako ready nun sa salitang commitment. Ang totoo nyan nakipagbreak ako kasi inisip ko na makakafocus ako sa pag aaral ko kung makikipagbreak ako sayo. Pero ang totoo nyan ginawa ko lang dahilan yung pagkakalink mo kay **** para makipagbreak sayo, para maikubli yung totoong dahilan ko. Hindi ko pinakinggan yung paliwanag mo, ikaw yung nagmukhang mali. Ang totoo nyan hindi ako nakafocus sa pag aaral ko kasi habang nakikita kita sa facebook na nagmomove on dun ko naiisip kung ano ang pinakawalan ko. Ngayon handa na ulit ako, pero may iba ka na.. gusto ko sana magsorry sayo at sabihin ito lahat, pero huli na. Hindi ko na hihilingin sayo na sana ako parin at sana ako nalang ulit. Kasi alam kong nasaktan kita . 😦 -Jem

    Like

    1. sobrang tamang-tama ako dito ah..
      As in ……
      kasi hanggang ngayon Umaasa pa din sa Second Chance kahit alam kung my iba na sya 😦
      Same lang ng Situation As in parehong-pareho πŸ˜₯

      Like

  7. pa share lang din.
    natuwa ako sa tula.
    hmmm.
    hindi ako naniniwala sa second chance.
    hindi ko nga binigyan ng second chance yung unang babae na nagmahal sa akin.
    pati na din yung ibang babae na nagdaan sa buhay ko.
    konti lang naman sila.
    hahaha.
    pero pinangarap kong maging si popoy at sana ikaw si basha.
    kasi tulad nila.
    ikaw yung lumapit tapos mo akong iwan.
    dahil ikaw lang din yung nang iwan sa akin ng sobrang sakit.
    sinubukan ko sa unang pagkakataon.
    maniwala sa second chance.
    maniwala sa hinantungan ni popoy at basha.
    na baka sakali na ikaw yung basha ko.
    pero nagkamali ako.
    nasaktan ulit ako.
    kaya ako ang lumayo.
    pero salamat talaga.
    pinatunayan mo sa akin.
    hindi totoo ang second chance.
    sa iba siguro meron.
    pero sa atin.
    walang popoy at basha.
    😁

    Liked by 2 people

  8. Nagkaroon kame ng ilang beses na chance. Pinilit inayos, ipinilit namin na kame para sa isa’t – isa. Inisip kasi namin sayang yung 3 years kaso ang ending naghiwalay din kasi hindi na masaya. πŸ˜₯ Namimiss ko pa rin sya. Pero alam ko mas masaya sya na wala na ako sa tabi nya. Sana in time maghilom din. Hindi talaga kame sina Popoy at Basha. πŸ’”

    Like

  9. Hindi tayo so popoy at basha
    Super relate Lang ako dito
    Nagkaroon ako ng karelasyon ng 3years and 3 weeks.
    Konting away at tampuhan ang nangyari ayun ngbreak agad kmi
    Walang personal breakup ,text lng kmi ngusap
    Walang second chance na nangyari
    Araw araw naghihintay ng message nia
    Araw araw alak ang kakampi
    Ngayon halos 3 years n din kaming break sya totally move on na
    Pero ako eto naghihintay ng isang a raw pag gising ko wala n sya sa puso ko,,

    Cguro nga HND pang ONE MORE CHANCE ang kwento min
    Hindi tayo so popoy at basha
    Ghel mahal na mahal pa din kita kahit ang sakit sakit na!!

    #browneyes

    Liked by 1 person

  10. HINDI NAMAN TALAGA TAYO SINA POPOY AT BASHA

    Hindi naman talaga tayo sina Popoy at Basha
    Malayong-malayo tayo sa karakter nila sa pelikulang umaasam ng isa pang pag-asa
    Pelikula kung saan humihingi ng isa pang pagkakataong makasama ka
    Na alam kong hinding-hindi mo din naman maibibigay pa.

    Hindi naman talaga tayo sina Popoy at Basha
    Na sobrang pinagbuklod ng pagmamahal nila sa isat-isa
    At parang hindi na mapaghihiwalay pa ng tadhana
    Pero sadyang masaklap talaga ang lahat para sa ating dalawa.

    Hindi naman talaga tayo sina Popoy at Basha
    Dahil kahit saang anggulo tingnan ay hindi mo naman ako minahal talaga
    Na kahit gawin ko pa ang lahat kung para sa iyo ay wala na
    Ano pa ang silbi ng pagsasama kung pag-ibig mismo ay wala.

    Hindi naman talaga tayo sina Popoy at Basha
    Kahit magawa ko pa yata ang aking taun-taong panata
    Hindi na magbabalik pa ang lahat at mananatiling na lang na ala-ala
    Dulot ay mga sakit na sa akin ay magpapatatag at magpapalaya.

    Like

  11. Hindi tayo si popoy at si basha.
    More like hindi kami si popoy at si basha.

    Arki siya, civil ako.
    Buong akala ko ko magiging katulad kami ng storya nila. Napaniwala din ako.

    one year na since nakipagbreak siya saken. minsan akala ko nakamove on na ko. Pero sa tuwing nakikita ko siya sa feeds ko di ko maiwasan masaktan. Parang sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko lahat ng saket na nangyari saken nung nakipagbreak siya. Sobrang naging tanga ako nung hinabol ko siya eh. Parang ako talaga si popoy. Ginagawa ko lahat para lang makalapit sa kanya pero pinagtatabuyan niya ko palayo sakanya na parang si basha. Ramdam na ramdam ko kung gano kasakit lahat ng yon. Everynight umiiyak ako. Pero as of now, feeling ko niloloko ko lang yung sarili ko na moved on na ko talaga. Hindi ko alam eh. Pero parang umaasa parin ako na one day, magiging kami pa din like popoy and basha. Na kailangan lang hanapin yung sarili nila para pag bumalik na sila pareho buong buo na sila. Umaasa ako sa ganyan eh. Pero feel ko its time to let go of all those imaginations and stop hoping na one day magiging okay pa. Its better to keep in my mind na lang one day all this pain will be worth it.

    Thanks mr ar gonzales for the happy memories. I love you so much & Sana maging happy na tayo pareho! πŸ’‹

    Like

  12. Oo nga walang happy ending..its been 3years…ng wala na kami…gsto ko lang naman maging masaya..kaso sobrang sakit pala ng ikasal ka sa taong hndi mo tlga mahal..alam kong d na maibabalik ung dati…madami na din nangyari satin sa luob mg tatlong taon…isa lang ang hindi ko masagot..may asawat anak na ako.pero bakit ikaw padin ang sinisigaw ng puso ko…hay…gsto ko lang malaman mo na mahal na mahal padin kita acel…

    Like

  13. Shout out kay Fatima Mae. Sa kwento ng buhay ko, Hindi din ako si Popoy at hindi din ikaw si Basha. Kasi nga kahit isang chance wala. Ok lang yun, maging classmate ka, makatabi, makakwentuhan, makasabay pauwi, mapatawa sapat na. Masaya na ko dun. Masaya pa din naman ako ngayon kasi kahit graduate na tayo, may communication pa din tayo. Nga pala, almost 3 years and counting na kitang mahal, wala pa din chance. πŸ˜€

    Like

    1. Tama…

      Hindi tayo si Popoy at si Basha
      Hindi din maaari ang one more chance
      May pagkakataon na hihiling tayo
      Na sana ako na lang uli
      Na sana pde pa

      Ngunit darating ang panahon
      Magkabalikang muli,
      Magsasawa uli

      Hindi naman kelangan isipin ang tagal ng pag sasama
      Para bigyang muli ng pag asa ang noo’y nag hiwalay na
      Alala, isang maganda at masayang alala
      Ang magbubuklod sa dalawang nagmamahalang minsa’y naglayo

      Wag nating hilingin ang isa pang pagkakataon
      Darating ng kusa, kung para sa’yo ay para sa’yo
      Kung hindi, tanggapin ng maluwag sa puso

      Hindi natin pde kwestyunin ang bagay na nangyari na
      Hindi natin alam kung ano nakalaan ng kinabukasan
      Nung kayo pang dalawa
      Kung bawat hinaharap natin ay agad nalalaman
      Walang ganito, walang iiyak, walang masasaktan

      Ngunit para saan pa kung agad malalaman,
      Walang excitement na magaganap
      Walang magiging experience kung pano magmahal
      At kung pano mahalin ng lubusan

      Kung darating man ang pagkakataon
      Mag krus ng landas
      Na ang bawat isa ay nakatali na sa kani kanilang panibagong buhay
      Maaaring hindi magiging madali
      Pero kelangan tanggapin ang lahat

      Maaaring may pait nung huling magkita
      Mas madami pa ding kasiyahan
      Ang alaala ng nakalipas

      Liked by 1 person

  14. Hi @diane123191 your message is heartbreaking. 😦 I can feel you. Normal lng na iblame mo xa at magalit ka kasi nasaktan ka eh, normal lang na hanapin mo un flaws nya, iblame mo siya, icurse mo siya kasi galit ka pero eto lang hindi xa makakatulong sau. I was betrayed by my love of 7 years, of all people hindi ko inexpect na magagawa nya un sa akin nagalit ako, halos isumpa ko xa pero narealize ko it takes two to tangle and it takes two to justify the word BREAKUP. Nun nainlove kayo sa isa’t isa 2 kayo – may nagparamdam ng attraction at may nagrespond sa attraction na un. Nun nagsimula ng lumabo un relationship nyo hindi mo man pansin 2 pa din kayong involve dun, hindi na mahalaga kung sino man sa inyo ang nagkulang, hindi na mahalaga kung sino man sa inyo ang tumapos, isa man sa inyo ang ngdecide, isa man sa inyo ang naglagay ng THE END sa kwento nyo pero 2 p din kayong involve – isang feeling nakalaya xa at isang naiwan durog, broken. Yes naiwan kang durog, broken into pieces pero ang mahalaga buo pa din ang pagkatao mo, puso mo lng ang nadurog nya sau at wag mong hayaan na pati un dignity mo is madurog din dahil sa kanya.
    Love requires sacrifice always, I admire you for your willingness to convert just to be with him though wala ka pang assurance na xa n ba talaga, kc ganun nmn d b ang love? hindi ka nag-aask ng kapalit, ndi ka nakikipagbilangan kung ikaw ba o xa ang magsasacrifice para pumantay kayo sa religion man or sa ibang bagay. Pero kung ndi nya un nakikita HE IS NOT WORTH OF YOUR TIME. HE IS NOT WORTH OF YOUR LOVE. HE IS NOT WORTH IT TO BE IN YOUR LIFE.
    Set your heart free from anger kc habang tumatagal un anger + hope mo sa knya nagreresult into bitterness which is ikaw ang luge kc xa masaya pero ikaw nagmumukmok? nagkakasala ka pa kc nakakapagisip ka pa ng masama sa kanya. Itapon mo n un mga grudges mo, kc lalo ka lng ndi makakaalis sa same ground kung saan k nya iniwan kc end paulit ulit mo xa ibblame, paulit ulit mo din ibblame un sarili mo and you will end up running on the same circle.
    All of us deserve great love and you deserve to receive true love! πŸ™‚

    Like

  15. Thats your mistake. Nagpatali ka sa ndi mo mahal. Now. Love your wife. Kung Hindi mo kaya yung mga anak mo nalang. Pero wag mong ipapamuka sa mga anak mo yan. Now tell me after a few years. If you have now the reason to love your partner. – envyxcore

    Like

  16. Hindi tayo si Popoy at si Basha.
    Dahil sila, may second chance dahil di naman nagloko ang isa sa kanila.
    May one more chance kasi wala naman third party,
    May happy ending kasi naayos nila kanilang mga sarili.
    Napagod si Basha dahil controlling si Popoy.
    Di tulad natin, napagod ako dahil ako lang humahabol.

    Di tayo si Popoy at si Basha, dahil si Popoy stick to one lang mula umpisa. Di tulad ng atin, malandi kna mula umpisa.
    Nabigyan na kita ng sobrang daming chance,
    Umasa ako na magbabago ka.
    Pero hindi.
    Kaya tigilan na natin kakaasa dahil wala tayong happy ending.
    Dahil nga hindi tayo si Popoy at si Basha.

    Pero tangina,
    Umaasa pa din ako kahit ang sakit sakit na.

    Like

  17. Hindi tayo si Popoy at Basya. Sa totoong buhay, walang one more chance, walang second chance. At kahit ilang chance pa, walang tayong dalawa. Nakipagbalikan ka kasi ang sabi mo, ako ang mas mahal mo sa aming dalawa. Kahit nagmumukha na akong tanga, tinanggap kita kasi nga mahal pa rin kita. OO, Mahal na mahal kitang ga** ka. Akala ko meron ngang forever sa ating dalawa. Pero tan**na, sinaktan mo na naman ako tulad nong una. Hindi tayo si Popoy at Basya kasi sila sa pelikula lang naman talaga at tayong dalawa magkaiba ang ending at istorya. Hindi tayo si Popoy at Basya pero tulad nila, nagmahal lang din ako sa maling tao at sa maling pagkakataon. Hindi tayo si Popoy at Basya. Paulit-ulit na lang.Mahal na Mahal Kita pero tan**na ang Sakit – Sakit na.

    Like

  18. Pingback: Jenra Shares
  19. Hindi tayo si popoy at si basha.

    Sila may one more chance na, may 2nd chance pa.

    Ako kahit isang chance wala.

    Lihim kitang minamahal, samantala ang tingin mo sakin ay isang kaibigan lang.

    Isang tawag mo lang pupuntahan kita, isang text mo lang anjan na ako. Araw araw naiisip ko yung oras na magkayakap tayo, yung mga oras na magkasama tayo at mga panahong kailangan mo ng kaibigan.

    Nasasaktan ako pag may pinapakilala ka na manliligaw mo, pero alam ko na hindi ko pwedeng iparamdam sayo yung pinaparamdam nila e.

    Pero masaya pa din ako tuwing kausap, kasama, o kahit ka-text lang kita. Sobrang saya ko everytime na bume-beso ako sayo dahil kahit papaano ay halik pa ding maituturing yun.

    Baka sa parehas na buwan at taon pa tayo ikasal sa kanya-kanyang kapareha naten. Gustuhin ko man na ikaw ang nasa tabi ko ay hindi pwede.

    Sana lang ay hindi ka na nya saktan ulit. Tanging hangad ko lamang ay ang kasiyahan mo.

    Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ulit ng isang “kaibigan”.

    Mahal kita Nina.

    -EE

    Like

  20. Sana makarelate ang iba.
    Limang dahilan kung bakit ako nag-stay sa kanya.

    1. Kahit ilang beses mo nang pinatunayan sa akin na dapat kitang iwan, hindi ako umalis. Umaasa kasi akong baka pagod ka lang o may pinagdaraanan kaya may mga pangako kang napapako at may mga nasabi kang masasakit.
    2. Siguro dahil pakiramdam ko, kailangan mo ako. Ganun naman sa pagmamahal eh. Tulungan. Kampihan. Ako kakampi mo diba? Kaya hindi kita iiwanan.
    3. Baka hindi uso sa akin ang mapagod. Na kahit ilang beses mo nang pinaramdam sa akin na parang hindi tayo para sa isa’t-isa, nag-aabang pa rin ako. Hinihintay ko na titingin ka ulit sa akin, yayakapin ako at bubulong ng “Sorry kanina. Mahal na mahal kita. Alam mo yun.”
    4. Marahil ako yung tipo ng taong mas mahal kita kaysa sa mas mahal ko ang sarili ko. Sasabihin ng iba, katangahan yun pero sa totoo lang, ikaw ang lakas ko. Masaya akong minamahal kita kahit minsan, ang sakit sakit na.
    5. Baka natatakot lang ako. Natatakot ako na mawala ka sa akin kaya ayokong umalis. Umaasa ako na pwede pang magbago. Umaasa ako na pwede pang maayos ang lahat. Natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita.Sana ganun ka rin sa akin.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s