Casting call

image

#AUDITION

Cinemalaya.
Cultural Center of The Philippines.
Auditionee no. 492

Sinubukan kong mag-audition isang beses para umarte sa pelikula.

Maniwala man kayo’t sa hindi,  pangarap ko din ang mag-artista.

Alam ko.  Suntok sa buwan.
At alam kong ang kapal ng mukha kong subukan.
Pero patawad.
Hindi niyo ako mapipigilan.

Ang mga kasama kong sumubok,  may mga kilalang pangalan na sa industriya.
Mga batikan.
Mga alam kong mas karapat-dapat.
Silang mga hinog na ng panahon at kasanayan,  at akong hilaw pa ng kamangmangan.
Silang mga pabalik na,  at akong papunta pa lamang.
Silang malapit na sa finish line,  at akong nag-wawarm-up palang.
Silang mga ilang sako na ng bigas ang nakain, at akong wala pang naaani.

Bahala na si Batman.
Ginusto ko naman ‘to.
Panindigan ang kahihiyan.
Para sa ekonomiya.
Para sa pangarap.

Nanginginig na tumayo sa harap ng iba’t ibang mga dekalibreng direktor;
Kaharap ang rumurolyong kamera na nakatutok sa aking hindi maipintang mukha at namumukadkad na pores;
Kaharap ng ilang pares na mga matang nagmamasid at nag-aantay ng aking susunod na galaw;
Humugot ng lakas ng loob sa malalim na balon ng kakapalan ng mukha;
Pautal-utal pang sinambit ang edad at pangalan,
At tinikman na ang unang butil ng bigas ng aking pangarap.

Blangko.

Hindi ko na natandaan ang mga detalye matapos. Siguro dahil hindi na ako ang umaarte ng mga sandaling ‘yon.
Baka si Batman na.

Natanggap ba ako?

Hindi.

Pero alam kong naging masaya ako paglabas ko ng kwartong ‘yon.
Dahil alam ko,  sinubukan kong sundin ang puso ko,
Kahit pahapyaw na sandali.
Kahit ilang minuto lamang.

Sumugal kahit alam kong sa simula pa lamang ay uuwi akong talunan.
Sumugal kahit alam ko naman ang kahihinatnan.

Parang pag-ibig.
Parang life.

Advertisements

4 thoughts on “Casting call

  1. Ang ganda naman neto… minsan talaga sa buhay kahit alam natin na mare-reject tayo dapat sundin parin ang puso, that’s what makes life exciting in the first place 🙂 Pero ang galing kase di ka nagback out, achievement parin itong maituturing 🙂

    Liked by 1 person

  2. May nakapagsabi sa akin, ang magaling na direktor ay magaling ding aktor. Alam mo po, lagi akong nagbabasa ng mga tula mo. Itong isang ito nakakatuwa. Ikaw po, sinisimulan mo na po ang nais ng iyong puso pero ako nakakulong pa sa nais ng ibang tao para sa akin. Gusto ko rin pong maging isang direktor, kaso..

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s