Feeling ko, isa akong alien

Feeling ko, isa akong alien.
Feeling ko pinadala lang ako dito sa earth,
Binura lahat ng alaala ko,
Tapos nagbalatkayo bilang isang mortal na tao.
Posible kaya yun?
Ewan ko ba.
Para kasing hindi ako taga rito.
Parang nakikitira lang ako.

Alam mo yung pakiramdam na nakikitae ka sa CR ng iba.
Yung pakiramdam na kahit taeng tae ka na,
Hindi ka pa rin maka-tae.
Alam mong kailangan na,
Pero hindi mo maintindihan kung bakit ayaw lumabas.
Ganon.
Ganong feeling.
Parang lagi akong namamahay dito sa earth.

Yung pakiramdam na palagi ka pa ring naliligaw kahit ilang beses mo nang napuntahan ang isang lugar.
Yung tipong paulit ulit kang nahuhulog sa iisang kanal na ilang beses mo naman nang nadaanan.
Hindi mo maintindihan kung bobo ka lang, lampa, o wala ka lang talagang sense of direction.
Ganon.
Ganong pagkaligaw.
Parang lagi pa rin akong nawawala kahit hawak ko naman ang mapa.

Feeling ko talaga, isa akong alien.
Basta.
Weird.
Weird sa pakiramdam.
Yung pakiramdam na lagi kang nangungulila sa isang lugar na hindi mo pa naman napupuntuhan.
Yung pakiramdam na kahit nakaapak ka sa lupa,
Ramdam mo parin na hindi naman talaga nakalapat ang mga paa mo.
Parang may puwang lagi sa pagitan.
Yung ganong feeling.

Nakakapagpabagabab.
Nakakapagpababagab.
Nakakapagpabagabag.

O Siguro lutang lang ako?

Teka. Lumulutang nga ba ang mga alien?
O biktima lang din sila ng zero gravity ng outer space?

Marami na rin naman akong nakilalang tao.
Halos nakabisa ko na nga kahit buong pangalan nila.
Pero bakit ganon?
Bakit pakiramdam ko lightyears away pa rin ang distansya ko sa kanila?
Kasi minsan hindi raw nila ako ma-gets.
Hindi nila alam, silang mga humans ang hindi ko maintindihan.

The feeling is mutual.

Feeling ko isa akong alien.
Palagi raw kasi akong lutang.
Madalas raw kasi akong “out of this world”.
Yung parang lagi akong kinokontak ni earth pero out of coverage area ako palagi.

Palagi raw na parang ang lalim-lalim ng iniisip ko.
Hindi nila alam,
Sa sobrang lalim,
Kahit ako,
Nalulunod na.

(Hindi nga siguro nakakalangoy ang mga alien.)

At sa tuwing nalulunod na ako sa ingay at gulo ng planet earth,
Tumitingala na lang ako sa kalawakan.
Iniisip na sa lawak ng walang kasiguruhan ng langit,
May isang lugar doon na siguradong para sa akin.

πŸ›ΈπŸ‘½πŸ›ΈπŸ‘½πŸ›ΈπŸ‘½πŸ›ΈπŸ‘½πŸ›ΈπŸ‘½πŸ›ΈπŸ‘½πŸ›ΈπŸ‘½πŸ›ΈπŸ‘½πŸ›Έ

Kelan kaya darating ang spaceship na susundo sakin?

Advertisements

2 thoughts on “Feeling ko, isa akong alien

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s